Manila Peninsula Hotel xypex

Manila Peninsula Hotel

Lungsod ng Makati

Ang mga produkto ng Xypex ay ginamit upang gawing waterproof ang swimming pool sa ibaba at ang naka-arkong bahagi ng pedimentong mas nasa ibaba.

Hindi naming madalas iwinawagayway ang aming berde at mabait sa kalikasang bandila, subalit ang Xypex, at ang pamilya nito ng mga mala-kristal na kongkretong pang-waterproof na produkto ay laging may mainit na relasyon sa kanilang kapiligiran.

sustain-banner

Ang Pagiging Naroroon namin sa mahigit 90 mga bansa ng mahigit 50 taon ay nagbibigay sa amin ng pandaigdigang pang-unawa sa mga pamantayan at inaasahan sa kapaligiran. Patuloy kaming sumusuporta sa mga programa tulad ng ISO at ang pagbuo ng mga sistema sa pagre-rate tulad ng LEED na nagpapalakas sa kalidad ng produkto, responsibilidad ng korporasyon at ang mga alalahanin ngayon sa kapaligiran. Para sa Xypex, ang Pagiging Naroroon at ang Pagiging Berde ay patuloy na mga pangako.

Kahusayan sa Enerhiya, pagpili ng material, mabawasan ang epekto sa lugar, at pagbabawas ng VOC – ito ang mga ‘berdeng’ benepisyo ng mga hindi nakalalasong produkto ng Xypex na ibinibigay sa mundo ng konstruksyon at sa hangarin ng pagpapanatili sa kapaligiran.

Pagbabawas ng Materyal at Trabaho

Ang Xypex Crystalline Waterproofing ay maaaring gamitin bilang isang kongkretong admixture kung kaya’t tinatanggal nito ang kinakailangang trabaho para maglagay ng mga lamad o mga coating at malaki ang epekto sa pagpapababa ng gastos at mga kinakailangang materyal.



Muling paggamit ng Kongkreto

Ang mga kongkretong naka-waterproof gamit ang mga produktong mala-kristal ng Xypex (mga coating, drushake o admix) ay maaring muling gamitin ng buong-buo sumantalang ang mga kongkretong may nakadikit na lamad ay hindi na muling magagamit.



Permanenteng Solusyon

Hindi tulad ng mga lamad at iba pang coating na pang-ibabaw lamang, ang Xypex Crystalline Waterproofing ay hindi nabubutas o nasisisira tuwing nagba-backfilling at hindi lumalala sa paglipas ng panahon.

Mga Volatile Organic Compound (VOCs)

Walang nilalaman na VOCs ang Xypex Crystalline Waterproofing. Mas pabor ito kumpara sa mga likido na inilalapat sa lamad na naglalaman ng napakaraming halaga ng VOCs.



Pagbabawas ng Atmosperikong CO2

Dahil ang paggawa ng semento ay may malaking kontribusyon sa atmosperikong CO2, krtitikal ang paghahanap ng mga paraan upang mabawasan ang paggamit ng semento. Ang high fly ash at ang pagpapalit ng slag sa disenyo ng paghalo ng kongkreto ay umani ng kasikatan. Ang Xypex Admix C-500 waterproofing admixture ay isang epektibong produktong pang-waterproof sa mga kongkretong may nilalamang high fly ash at mga slag na semento, Hinahayaan nito ang paggamit ng mga matataas na pagpapalit sa disenyo ng paghalo.

  • DISTRIBYUTOR

    Anthony Lim

    Tel: (02) 8920-9004 / (02) 8927-5990 / (02) 3411-4330 /
    E-mail
  • Magrehistro para sa E-News
Scroll to top