Manila Peninsula Hotel xypex

Manila Peninsula Hotel

Lungsod ng Makati

Ang mga produkto ng Xypex ay ginamit upang gawing waterproof ang swimming pool sa ibaba at ang naka-arkong bahagi ng pedimentong mas nasa ibaba.

Bukod-tangi ang Xypex. Ang mala-kristal na katangian sa Sistema ng Xypex waterproofing ay nakapagbibigay ng maraming kalamangan sa aplikasyon kumpara sa mga tradisyonal na mga produktong pangharang. 

advantages-banner

Kakaiba ang Xypex

Ang mala-kristal na katangian sa Sistema ng Xypex waterproofing ay nakapagbibigay ng maraming kalamangan sa aplikasyon kumpara sa mga tradisyonal na mga produktong pangharang.

  • Hindi kinakailangan ang tuyong paglalapatan; sa katunayan, kinakalangan ang basang paglalapatan.
  • Hindi kinakailangan ang tuyong panahon kapag inilalapat.
  • Hindi kinakailangan ang magastos na pagpapa-prime ng paglalapatan o paglelebel bago ilapat.
  • Hindi ito mabubutas, mapupunit o bibigay sa mga pinagdugtungan.
  • Hindi nito kailangan ng proteksyon habang nagba-backfilling o habang nilalagay ang bakal, kawad o iba pang mga materyal.
  • Maaari itong ilapat sa alinmang gilid ng kongkretong paglalapatan – ang negatibong o positibong (presyur ng tubig) gilid.
  • Hindi kinakailangan ang pagseselyo, pagla-lap o panghuling pagsasaayos ng mga pinagdugtungan sa mga kanto, gilid o sa pagitan ng mga lamad.
  • Mas mura itong ilapat kumpara sa iba pang mga pamamaraan.

Mga Kalamangan ng Aplikasyon

Sadyang malaki ang pagkakaiba ng sistemang mala-kristal ng Xypex para sa pagwo-waterproof ng mga kongkreto kumpara sa mga tradisyunal na mga produktong pangharang – tulad ng mga lamad at mga coating ng mga materyal na gawa sa semento.

Tingnan ang mga pagkakaiba:

  • Bumubuo ng isang mala-kristal na istruktura ang Xypex sa kailaliman ng mga butas at mga capillary tract ng isang kongkretong mass upang mapigilan ang pagpasok ng tubig at mga agresibong kemikal. Bilang kaibahan, ang ibang mga produktong ginagamit sa pagharang, tanging sa pang-ibabaw lamang ito ng kongkreto gumagana.
  • Dahil hindi dumedepende ang Xypex sa pagdikit ng paglalapatan upang makamit nito ang epekto ng pagwo-waterproof, nilalabanan nito ang matinding presyur ng hydrostatic.
  • Sineselyuhan nito ang mga basag na gabuhok hanggang 0.5 mm.
  • Hindi nito nasasakop ang mga problema sa pagkasira na nararanasan sa mga lamad.
  • Ang Xypex ay permanente at muling magiging aktibo kapag mayroong tubig.
  • DISTRIBYUTOR

    Anthony Lim

    Tel: (02) 8920-9004 / (02) 8927-5990 / (02) 3411-4330 /
    E-mail
  • Magrehistro para sa E-News
Scroll to top