Concrete Waterproofing by Crystallization™ Mahigit 40 taon nang naglilingkod ang makabagong Teknolohiya ng Crystalline ng Xypex Chemical Corporation sa mga gumagamit ng kongkretokongkreto sa buong mundo.
Ang mga produkto ng Xypex ay ginamit upang gawing waterproof ang swimming pool sa ibaba at ang naka-arkong bahagi ng pedimentong mas nasa ibaba.
Makakuha ng mga kasagutan sa mga madalas na katanungan tungkol sa Xypex, kabilang ang mga impormasyon tungkol sa pagkabit, mga produkto, teknolohiyang mala-kristal at marami pang iba.
Ang Xypex ay nagiging mahalagang bahagi ng mismong kongkretong mass. Sa kabilang banda, ang mga tradisyonal na produktong pangharang ay umaasa lamang sa nagaganap sa pang-ibabaw na paglalapat ng kongkreto kung kaya’t ito ay nauuwi sa paglala dala ng pagkakalantad sa kapaligiran, presyur na hydrostatic, pagkabutas, pagka-delaminate, erosyong kemikal, at pinsala sa tuwing magba-backfill. Ang Xypex ay binuo upang maalis ang mga isyu na ito. Ang pormula ng Xypex ay nakabatay sa natural na katangian ng kongkreto – sa katotohanang ang kongkreto ay natural na parehong maraming maliliit na butas at may kemikal. Dahil katalista ang kahulumigmigan, ang mga pagmamay-aring kemikal ng Xypex ay tumutugon sa mga produkto ng hydration ng semento upang bumuo ng mga hindi natutunaw na complex sa loob ng mga butas nito, mga puwang at mga capillary tract ng kongkretong mass. Mula sa posisyon sa loob nito, ginagawa ng Xypex na maging matibay ang kongkreto at hindi ito mapapasok ng tubig at ng iba pang mga likido mula sa anumang direksyon, tinatanggal ang mga problema na madalas kaakibat ng mga tradisyonal na pangharang at, sa proseso, pinapaganda nito ang kalidad at pagkamatatag ng kongkretong istruktura.
Kabilang samga karaniwang aplikasyon ng Xypex ang mga imbakan ng tubig, imburnal at mga tangke ng treatment sa tubig, pangalawang istruktura ng mga pinaglalagyan, mga lagusan, mga vault sa ilalim ng lupa, mga manhole, kongkretong tubo, mga pundasyon, mga palanguyan, mga istruktura ng paradahan at mga konstruksyong below grade.
Ang mga reaksyong kemikal ng Xypex na unang naganap sa pang-ibabaw ng kongkreto ay magpapatuloy sa ilalim ng istruktura ng kongkreto. Maraming mga dahilan na makaaapekto sa rate at lalim na pagkikiristal sa loob ng kongkreto. Ang ilan sa mga dahilang ito ay ang: bilang ng mga coat ng Xypex, disenyo ng halo ng kongkreto, densidad, porosidad, nilalaman ng semento, pagkakalantad sa kahalumigmigan at temperatura. Sinukat ng independiyenteng pagsusuri ang lalim ng pagpasok ng mala-kristal na Xypex sa isang nakalagak na kongkretong bloke na may sukat na 30cm (mahigit 12 pulgada). Ang sampol ng kongkretong sinuri ay nilagyan ng coat sa taas ng paglalapatan gamit ang Xypex Concentrate at iniwan sa labas ng laboratoryong pananalisik na may ordinaryong temperatura sa loob ng 12 buwan.
Ang Xypex treatment, hindi tulad ng karamihan sa ibang sistema, ay nagiging permanenteng bahagi ng molde ng kongkreto. Ang natatanging dendritic at mala-kristal na paglaki nito ay hindi lalala sa ilalim ng normal na mga kondisyon, at ang mala-kristal na proseso ay muling magiging aktibo sa tuwing may tubig.
Oo. Ang Xypex ay may espesipikong sistema ng pagkukumpuni na ginagamit ang natatangi nitong teknolohiya ng mala-kristal na pagwo-waterproof upang pigilan ang pagdaloy ng tubig sa mga basag, mga sirang joint at iba pang mga depekto. Sa kaso ng mga lumalaking joint o dumaraming mga basag, isang fleixble na sealant ang inirerekomenda.
Oo. Dahil hindi umaasa ang Xypex sa pagdikit sa kongkretong paglalatagan at, sa halip, nagiging malaking kabahagi ito ng kongkretong mass, ito ay may kakayahang labanan ang matinding presyur na hydrostatic sa alinmang gilid (positibo o negatibo) ng kongkreto. Ayon sa independiyenteng pagsusuri sa laboratoryo alinsunod sa U.S. Army Corps of Engineers CRD C-48 “Permeability of Concrete”, lumalabas na ang kongkretong nilagyan ng Xypex ay tumagal ng hanggang 405 talampakan (123.4m) ng presyur sa ulo (175 psi/1.2 MPa), ang limitasyon ng ginamit na aparato sa pagsusuri.
Wala. Ang namuong mala-kristal sa Xypex ay nagiging bahagi ng molde mismo ng kongkreto at walang hindi kanais-nais na epekto sa kongkreto. Sa katunayan, naipakita sa independiyenteng pagsusuri sa laboratoryo na sa ilalim ng halos lahat ng kondisyon, napapahusay ng Xypex ang lakas at katatagan ng kongkretong istruktura.
Hindi. Walang nilalamang mga volatile organic carrier (VOCs) ang Xypex at maaari itong ilapat nang ligtas sa saradong kapaligiran. Ang Xypex ay aprubado ng maraming mga awtoridad sa kalusugan at tubig sa buong mundo para sa paggamit sa mga istruktura na naglalaman ng mga naiinom na tubig at mga pagkain. Ilan sa mga ahensiyang ito ay ang:
Base sa independiyenteng pagsusuri ayon sa ASTM C 267 “Chemical Resistance of Mortars”, ang mga kongkretong nilagyan ng Xypex ay hindi apektado ng isang malawak na saklaw ng mga agresibong kemikal kabilang ang mga banayad na asido, mga solvent, mga chloride at nakapapasong mga materyal. Dahil espesikong pH ang Xypex (hindi espesipikong kemikal), poprotektahan nito ang kongkreto sa anumang kemikal na ang saklaw ng pH ay nasa 3.0 hanggang 11.0 sa tuloy tuloy na pagkontak, o 2.0 hanggang 12.0 sa peryodikong pagkontak.
Malaki ang pagkakaiba ng sistemang mala-kristal ng Xypex para sa kongkretong pagwo-waterproof at proteksyon kumpara sa mga tradisyonal na mga produktong pangharang.(mga lamad, mga coating ng material sa semento, atbp):
Oo. Sa pamamagitan ng pagpigil sa pagpasok ng tubig sa kongkreto, pinoprotektahan ng Xypex ang kongkreto sa makapinsalang epekto ng paulit-ulit na mga siklo ng pagtigas/pagkalusaw.
Ang Xypex Crystalline Technology ay magagamit sa tatlong porma: