Mahalaga para sa pag-unlad ng Xypex Crystalline Technology ang masinsinang pag-unawa sa mga kemikal at pisikal na komposisyon ng kongkreto. Maraming butas na malilit ang kongkreto. Ang mga capillary nito na tila isang lagusan ay natural na bahagi ng mass nito, at pinapayagan ang pagdaan ng tubig at iba pang mga likido. Kinilala ng mga Mananaliksik ng Xypex ang oportunidad para sa isang kemikal na treatment na naglalayong punuin ang mga capillary nito upang mapigil ang pagpasok ng tubig at iba pang likido sa anumang direksyon. Sa pamamagitan ng diffusion, ang mga reaktibong kemikal sa mga produktong Xypex ay gumagamit ng tubig bilang paraan sa paglilipat upang makapasok at magpunta sa mga capillary ng kongkreto. Ang prosesong ito ang umpisa ng isang kemikal na reaksyon sa pagitan ng Xypex, ng kahalumigmigan at ng mga by-product ng hydration ng semento, na siyang nagbubuo ng isang bagong itstruktura ng mala-kristal na hindi natutunaw. Ang mahalagang istrukturang ito ang pumupuno sa mga capillary tract na siyang nagbibigay sa kongkreto na maging waterproof.
Dahil sa katotohanang tinutukoy na ngayon at ginagamit ng libu-libo ang Xypex Cystalline Technology sa iba’t ibang mga proyekto sa pagwo-waterproof sa buong mundo, ito ay maituturing na testamento sa orihinal na konsepto. Ang teknolohiya ng mala-kristal na pagwo-waterproof ay isang ideya na lumago dahil tinanong ng mga kimiko ng Xypex kung ano ba talaga ang kongkreto at nakahanap sila ng paraan para mas mapabuti ito. Ngayon, ating ipinagpapatuloy ang tradisyon.